Ang Tao ay Nagmula sa Langit

Nahahati daw ang mundo natin sa “pikisial” at “ispiritwal”

Babala: Ito po ay sumagi lamang sa aking isipan 🙂

Sa kalangitan tinatamasa ng mga anghel ang buhay sa langit, ngunit sa kabilang banda usap usapan sa kanila, kung ano ang buhay sa lupa na naranasan ng mga taong nanggaling na doon at muling nakabalik sa langit..malabo ba, idadaan ko sa kwento..

Anghel 1: Pareng anghel, masaya daw ang buhay sa lupa pero mahirap ang buhay para makabalik muli dito sa langit dahil maraming temptasyon doon..

Anghel 2: OO nga pareng anghel, kelan kaya may isisilang muli at mapili tayong mapadala sa lupa bilang kaluluwa ng pisikal na katawan?

*lumipas ang mga araw*

Announcement sa Langit: “may isisilang na sangol matapos ang isang oras, Anghel1 maghanda at ikaw ang magiging kaluluwa nito”

Nang makalipas ang isang oras, naglaho si Anghel1 sa langit at pinadala sa lupa bilang kaluluwa o spirito ng bagong silang na sangol..Namulat ang mga mata, lumaki sa lupa at naranasan ang mabuhay bilang tao na puno ng misteryo..nabuhay sa mundong tahimik at masaya, ngunit sa kalaunan ay naging mahina at makasalanan; nakalimutan na siya ay nagmula pala sa langit.

***

Masarap daw mabuhay bilang tao. Sa lupa mo daw nararanasan ang ibat ibang uri ng buhay, pwedeng masaya, malungkot, matiwasay, etc.. depende nalang kung paano mo ito haharapin para makabalik muli sa langit. marahil naalala naten ang buhay anghel pag namulat tayo sa pananampalataya, nalalaman natin na may Diyos pala tayo, na kung susundin mo daw ang mga utos Niya ay mapupunta ka sa langit o muli kang makakabalik dito. Kaya siguro nasabi nila na hiram lang ang buhay, at ang mga sinasabi ng mga matatanda na “papunta ka palang pabalik na ako“..

*sa kabilang banda*

Alam natin na noon pa man tinakwil na mula sa langit ang mga diablo at iba pang lupon ni satanas at kailan man siguro ay hindi mararanasan ang mabuhay bilang tao at magkaron ng piskial na kaanyuan, kaya siguro nangugulo sila sa lupa, hinihikayat at binubulungan tayo na gumawa ng masama para hindi makabalik muli sa langit. Malaki ang ingit nila sa tao na may pisikal na katawan, kaya siguro may mga masasamang ispirito o diablo na sumasapi sa mga tao na kulang daw sa pnanampalataya, sinasabi daw ng sumasaping ispirito kalimitan ay “paraiso daw ang pakiramdam nila pag nakasapi sila” marahil dahil hindi nila ito naranasan o mararanasan kailan man….ang maging tao!

***

Masaya mabuhay bilang tao ngunit puno ng pagsubok ang buhay at hindi madali ang daan pabalik sa Langit kung saan tayo nagmula. Walang perpektong nilalang at buhay, subalit lahat ng mga nanyayare sa mundo at buhay ng tao ay may dahilan. marahil siguro minsan nararanasan natin ang mabuhay bilang ispirito pag nananginip tayo, ang mundo na ang pagitan lang daw ay isang kisap mata.

***

May pribilehiyong napagkaloob sa tao na hindi sa mga anghel sa aking pananaw..at ito ay ang UMIBIG, ang mga anghel daw kasi ay walang kasarian..sa mundo ng mga tao may “Eba” at “Adan”..isang paglalakbay din ang paghahanap ng katuwang sa lupa bilang tao, para maranasan at iparanas ang pagmamahal at sa pagmamahalang ito ay nabubuo ang isang pamilya kung saan may sangol na isisilang bunga nito. Na paulit ulit na sirkulasyon ng buhay ang mabuhay at magbigay buhay. Sa langit wala sigurong emosyon na ganito ang mga anghel kaya masarap daw mabuhay sa lupa at maranasan itong kakaibang pagmamahal. kaya nga napaka makapangyarihan ng salitang ito. Ngunit datapwat may isang higit daw kesa sa lahat at di matutumbasan nino man, ang pagmamahal ni Kristo!

**** end! ****

* maraming pwedeing maidetalye sa bawat naisulat dito..pero alam naman natin na walang katapusan ang ganitong topic..ang nasulat dito po ay base lang po sa aking pananaw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s